Thursday, May 10, 2001

Minsan nakakasawa na ang problema. Lagi na lang syang parte ng buhay. Minsan naiisip ko na binuhay lang ang tao para magresolba ng mga problema. Maraming uri ang problema. Wala pa akong nakikitang tao wala nito . dito at nagmula yung kasabihan na kumuha ng bato at pinukpok sa sariling ulo di nga ba? Iba-iba rin ang pagresolba ng problema, may madali at mahirap na paaran. Ako? Ako mahilig tumakbo sa problema. Pero nakakapagod tumakbo, lalo na kung alam mo sa sarili mo na wala kang pupuntahan--kundi ang sarili mo rin. Minsan gusto kong huminto at harapin ang problema….pero…bago ko man magawa yun…tumatakbo na naman ako..

Di mo maiiwasan na mag-isip lalo na pag may problema….hinihimay mo ang bawat isyu..na sa kahihimay mo nauubos na ang mga isyu at lumalabas na wala naman talagang problema, Minsan iniisip ko tuloy na baka ako ang problema at ang problema ang me problema sa akin. Baka nga…

posted by jaded fool @ 6:07 PM