Closure
Ganito pala ang break up na may closure. Stable naman pakiramdam ko. Pagod sa iyak at byahe. Pagod na sa sakit. At least nalinawan namin saan kami pumalpak. Ayon sa post morten report-- nagkaron kami ng communication breakdown. Hindi ko nai-communicate ang mga bagay na gusto niyang marinig. Bakit nga ba hindi ko sinabi sa kanya ang mga bagay na gusto niyang marinig? Dahil yun sa takot. Takot ako maging vulnerable. Takot ako sa commitment. Baka hindi ko kayang panindigan ang desisyon na yun.
Yun ang lesson dito. Paninindigan.
Dapat maging handa ako na panindigan ko ang taong mahal ko laban sa lipunan na ito. Malaki ang stake dito-- pero kung para yun sa tamang tao, it will be worth it.
Nakakaluwag ng loob and closure, minsan di nyo mapigilan manghinayang sa pag-ibig na nawala. Maraming kwento, masaya..malungkot.. Nakakaiyak o nakakatawa. Naalala namin nung una kaming nagkita, yung sarap ng pkiramdam ng "falling in love".. Sakit ng mga problema at saan kami patungo mula ngayon.
Isang taon mula ngayon. Gusto kong malaman gaano kalayo na ako sa sitwasyon na ito.
Bukas siguro susulat ako ulit, sobrang pagod ako ngayon.
<< Home