Wednesday, May 16, 2001

Masarap pala mag-blog sa Tagalog… =) medyo nahihirapan pa rin ako sa pagtutugma ng mga salita pero sa tingin ko naman ay maganda ang kinakalabasan ng aking mga talata.

Lalong tumatagal..lalo kong nararamdaman ang "pressure" sa pagtatapos sa iskwela. Ako ang tipo ng tao na ayaw ang nasa "(s)limelight" mas gusto kong walang nakakaalam kasi walang ekspektasyon. E ta*na naman e… lahat na lang sila walang sinasabi kundi .." pagtapos mo, ikaw abogado ko ha!" "atty. Ikaw hahawak ng kaso ko ha" "pag graduate mo--gagawa ako ng krimen ha!" "ilang taon ka pa atty?" -- minsan parang answering machine na ako sa pagsagot: "*smile* oo naman , sige gawa ka lang ng krimen" "tagal pa ho ako". Mahirap pag masyadong malaki ang ekspektasyon sayo-- nakakatakot. Pano kung di ako pumasa? Pano kung magextend pa ako?

Pede bang time first muna?

posted by jaded fool @ 7:49 PM