babala
iba na talaga ang takbo ng panahon ngayon. laganap ang kasamaan. kahit anong pakikisama mo, o pakita mo ng kabutihan-- may mga tao pa rin na parang ahas na tutuklawin ka pag nakakita ng pagkakataon.
gaya nalang ng maid namin. este dati palang maid.
maraming beses na akong pinitikan ng pera nun.. maliliit na halaga lang naman pa-isa-isang daan.. pero ni minsan hindi ako nagsalita sa kanya.. dahil na rin di ako sure o kahit na sure ako e mawawalan naman ng kasama tatay ko. mas mahirap yun.
nung nagkasakit sya, pina-opera namin sya. kailangan ko magtipid para mabayaran ko yung 1/4 na nagastos sa pagpapa-opera niya.
basta, nakisama kaming mabuti. di ko na siguro kailangan pang i-enumerate dito lahat ng mga bagay na ginawa ko o ginawa namin para sa kanya.
at sumusulat ako ngayon dahil napatunayan ko na sinungaling sya. di ba ang sinungaling ay kapatid ng magnanakaw? siya yun, di ako pwedeng magkamali.
di ba nga pinatay niya ang lola niya. well yun ang paalam niya sa amin nung bago pumasok ang buwan na to, namatay daw ang lola niya. bukod sa sweldo niya, pinautang ko pa ang walanghiya.. at sa sobrang kapal niya, hiniram pa niya yun Adidas kong backpack. punyeta.
siyempre ayaw ko sana syang pahiramin pero pinagalitan ako ng tatay ko, isosoli naman daw. EWAN! isang malaking EWAN sayo napo!
ngayon naiinis ang ate ko, gusto niya turuan ng leksyon si Angie. Me point naman siya, baka nga iniisip ni Angie na kayan-kayanan niya kami. Hmmmmm..
Naniniwala ako sa KARMA. at naniniwala ako na babalik sa kanya ng 100 beses ang lahat ng pangaagrabyadong ginawa niya. sabi nga, weather-weather lang.
Labels: moments
<< Home