Wednesday, December 30, 2009

2009 recap



tignan nga natin at ating suriin kung naging maganda ba ang 2009 sa akin. pakiramdam ko kasi sobrang tinamaan ako ng global financial crisis at di lang ako nag-iisa sa pasakit na dulot nito.

Enero-Marso: naging 32 anyos ako na pakiramdam ng marami e walang pinagkatandaan. Na-diagnose ang tatay ko nga retinal detachment at kailangan niyang maoperahan.

Abril: Naoperahan ang tatay ko para maagapan ang retinal detachment. gumastos kami ng mahigit sa 120k.

Mayo: Wala akong matandaan na kahirapan sa panahon na ito..pero ito yung panahon na nagpilit kami ni G na ayusin lahat.

Hunyo: Dito namin nalaman na talagang di talaga ata kami pwede.. kahit na gusto pa namin. Bumalik si P.

Hulyo-Agosto: Nagpacheck up ang ate ko sa iba't-ibang doctor dahil na rin di kami naniniwala sa sinasabi ng mga doctor sa probinsya. Nadiagnose sya ng endometrial cancer kaya kinailangan siyang operahan para tanggalin ang matris niya.

Setyembre: Maraming training at seminar. pero kada magpapalit ng buwan, nagkakasakit naman ako. Dumating ang bagyong Ondoy at Pepeng.

Oktubre-Nobyembre: Panahon ng kagipitan. Tangnang utang kasi yan.

Disyembre: Dito naisip ng boss ko na wasaking ang career path ko dito sa opisina. Hinugot niya ang mga kaso ko at ito ako ngayon nakatanga.

Masaya ako at tapos na ang 2009. Ibabaon ko na lang sa limot ang mga sama ng loob at sigalot. Panahon na para maghanap ng bagong trabaho.

Labels:

posted by jaded fool @ 4:53 AM