Parang tanga lang
Inakala ko talaga na sa akin umiikot ang mundo ng lahat ng tao. Ngayong weekend na to, napatunayan ko na hindi.. Ganun rin naman napatunayan ko na maari ring hindi sa kanila umikot ang mundo ko... Marami akong pwedeng gawin tulad ng pagbabasa.. Paglalaro ng gadget.. Pagpapalinis ng kotse, pagluluto, paghatid at sundo sa kapatid ko...maraming tulog..at higit sa lahat..ang pagkanta.
Dahil na rin sa hindi maganda ang pakiramdam ko binuksan ko ang videoke at nagpumilit akong bumirit.. Tagalog.. English.. Lahat ng gusto kong kantahin, kinanta ko talaga. Pero merong isang kanta na naluha ako... Kasi yun ata ang kanta na nakapagpahayag ng tunay kong dinaramdam. Naisip ko tuloy na sa buhay na to marami kang mamahalin, pero sa lahat ng iyun may isang mangingibabaw. Ang pagmamahal na yun ang magiging modelo ng pagmamahal mo sa iba. Sa tingin ko, ang pamamahal na yun kahit na masakit o malungkot, kailanman ay hindi mahihigitan pero kailangan mong pakawalan.
Sabi nga..
Though you're someone in this world that i'll always choose to love, from now on you're only someone that i used to love.
Labels: ikaw kasi
<< Home