Friday, April 24, 2009

tatay update



wala naman talaga akong balak sumulat ngayon. unang-una nahihiya ako. pangalawa, wala akong masabi. pangatlo, nahihiya talaga ako.

nahihiya ako kasi maraming nangyari nung nakaraang linggo na parang nangyari na. nahihiya ako dahil naulit.. dahil may nasaktan.. dahil mayrong walang magawa. basta.. alam ko yun sa sarili ko.. iba kaya yung nangyari kung... ewan. tama na. ayaw ko ng isipin. hindi na tama. sino ba ako para manakit ng tao? tama na..wala akong karapatan manakit..wala sa tamang hulog. kulang. shet.

bueno, last week my tatay had his eye operation. he was discharged friday noon. sana lang successful ang operasyon niya kasi alam ko nafu-frustrate na naman siya dahil di pa rin nakakaaninag yung left eye niya. mainipin pa naman si pule. wala rin siyang makausap sa amin dahil na rin sa ginawa na magaling naming kasama sa bahay... kunsabagay, wala naman kasing kwentang kausap yung mga kamag-anak ng nanay ko. minsan talaga iniisip ko kung ampon ba ang nanay ko, dahil na rin ibang iba siya sa mga kapatid niya at iba siya sa magulang niya. sige.. mali na i-lahat ko ang mga kapatid niya meron naman kasing 2 pa na parang nanay ko rin ang ugali.. yun nga lang yung isa dun patay na at yung isa naman ay nasa amerika. yung mga naiwan dito, parang pinanganak sa bangko sentral... hindi dahil sa yaman kundi dahil sa alam mo na. minsan naiinis ako sa kanila dahil sa kadupangan nila... minsan wala akong pakielam.. minsan gusto kong buhatin yung bahay namin at ilipat sa ibang lugar tulad ng forbes park o dasmarinas.. Haha. Alam ko nalulungkot ang tatay ko dahil wala na nanay ko. pakiramdam niya kasi walang nag aalaga sa kaniya di tulad nung una siyang naoperahan na andiyan nanay ko nakasunod at nakaalalay palagi. naaawa na nga rin ako sa ate ko kasi wala siyang inisip kungdi si tatay... ni na niya naiisip sarili niya. at ako? ako.. iniisip ko si tatay siyempre pero minsan inuuna ko sarili ko. hindi pala minsan-- kadalasan pala. sama ko no?

magkano ba kasi ang time machine? san ba meron nun?

Labels: ,

posted by jaded fool @ 9:07 AM