Monday, April 13, 2009

uto-uto ka kasi



ang balak ko talagang isulat dito ay kung paano ko nairaos ang mahal na araw, kung paano iba siya sa lahat ng mahal na araw na pinagdaanan namin, kung gaano kahirap ang bisita iglesia at kung paano kami nagtagpo (pagkalipas ng 2 taon) ng aking inaanak na si asher. pero naiba ang plano.

naiba ito kagabi nung biglang dumating si G sa bahay namin. nagulat ako, ni sa hinagap hindi ko naisip na babalik siya samin. magdadapit-hapon na ng dumating siya. nakahiga ako nuon sa kwarto at naghahanap ng mapapanuod sa TV.

Nung makita ko siya, naalala ko na naman yung palagi kong kinukwento kay E nun. Sabi ko sa kanya, sa isip ko "two old friends meet again" ang drama ko. Di ako mapakali.. naisip ko yung mga panahon na nagdadasal ako... naalala ko yung mga panahon na naalala ko siya.

mahirap sa una-- nangangapa ako.. pero lumaon naging komportable na. Natuwa ako sa lahat ng magandang bagay na nangyari sa kanya.

Nagkausap kami tungkol sa mga lugar na napuntahan niya, sa mga lugar na napuntahan ko.. tungkol sa landas na tinahak naming magkahiwalay. Akala ko dun magiiba ang istorya. Hindi pala. Mali ako.

Sabi ni E, hopeless romantic daw ako.

Pakiramdamdam ko, tanga tanga ko. Hindi naman talaga kasi totoo ang fairy tale.

Labels: , , ,

posted by jaded fool @ 12:58 PM