kwento ng tanga
sabi nila matalino daw ako. sabagay.. maipapasa ko ba ang bar kung hindi? pero minsan kasi pakiramdam ko, sinuwerte lang ako.. at alam ko na binigyan lang ng pabor ng Diyos ang nanay ko. Nadaan sa dasal baga.
minsan naiisip ko mautak ako.. dangan kasi'y marami akong absences pero nakuha ko pa rin ang midyear ko.. di tulad ng iba.. nalusutan ko ang maraming bagay... sa sobrang dami ay limot ko na.
pero mas marami akong katangahan. wala pa namang gamot sa sakit na ito. sabi nga ng ate ko, uto-uto daw kasi ako. ano naman magagawa ko kung sa simpleng bagay sumasaya ako. alam ko rin crybaby ako.. may mga maliliit na bagay na sobrang nakakapagpaiyak sa akin..sabi ng ate ko, nana daw ako. iniisip ko ngayon kung ano ba mali sa akin..bakit ba kasi adik ako sa pagmamahal? mali ba ako ng paraan ng pagmamahal? mali ba mga taong napili kong mahalin? dangan kasi'y parang ang hirap sumaya. di kaya ako ang problema?
madalas kong naitatanong kung san ba ako sasaya talaga? naiisip ko lang sagot ay yung magkaron ako ng taong mamahalin ako ng walang kapalit. yung papaulanan ako ng pasensya at yung aarugain ako. aalagaan at poprotektahan ako ng higit pa sa ginawa ng magulang ko. yung mabuhay na alam ko mahal din niya ang pamilya ko at ako lang ang mahal niya kahit di kami magkasama. gusto ko ng pag-ibig na nagliliyab sa init. kapal ko no? naisip ko lang naman...
twing naiisip ko ang nakaraan ko.. tinatanong ko sarili ko kung wala ba akong kwenta at ang mga taong ito ay hindi nakikita ang halaga ko. kailangan ko pang mawala para maisip nila na gusto nila akong makasama.. kailangan ko pa magalit... dumanas ng sang laksang kunsumisyon para lang maisaksak sa makikitid nilang utak na hindi na tama ang ginagawa nila sa akin.
kaya sobrang sama ng loob ko hanggang ngayon sa pagkawala ng nanay ko... pakiramdam ko kasi siya lang tunay na nagpahalaga sa akin at sa kaya ko. siya lang yung nagpasensya sa mga kamalian ko. siya lang yung tao na kahit kelan hindi ako pinabayaan.
sana namatay na lang din ako kasama niya.
<< Home