'nay ku pu
napaniginapan ko nanay ko kagabi.
nasa sta. mesa daw kami.. bumibisita sa dating mga kapit-bahay.
naglalakad kami sa sira-sirang kalsada ng road 5 ng mapadaan kami sa tapat ng apartment na tinitirhan nila aling judith.
si aling judith yung nagpi-piano sa choir sa chapel.
sabi ng nanay ko, dumaan raw kami.
sabi ko maiwan na ako sa labas ng bahay.
pumasok siya sa apartment. naiwan ako sa sira sirang kalsada pilit na inaaninag yung bahay ng kaklase ko.
maya maya pa, lumabas ang nanay ko sabi niya uwi na raw kami. dahil mas malapit na kami sa hippodromo-- dun na raw kami dumaan.
humawak ako sa braso niya at tinanong ko siya.
sabi ko, sinabi mo ba sa kanila na namatay ka 2 years ago at bumalik lang?
hindi sumagot ang nanay ko. hinawakan niya lang kamay ko. naglakad kami.
hindi kami makalabas ng road 5 papuntang hippodromo dahil baha, kulay chocolate na putik..paniguradong mapuputikan kaming dalawa kaya pumara siya ng tricycle. pumulot siya ng supot ng v-cut.
sumakay kami ng tricycle at sinabing sa pureza na lang kami ihatid.
sa loob ng tricycle malungkot ang nanay ko, kaya tinanong ko siya:
nay, masama ba loob mo na bumalik? napilitan ka lang ba bumalik dahil sa akin?
hindi sumagot ang nanay ko, isinuot niya lang yung kamay niya sa supot ng v-cut at ginamit na parang gwantes.
weird.
nagising ako alas 4 ng umaga.
nakakalungkot isipin na kahit sa kabilang buhay pinoproblema pa rin ako ng nanay ko.
<< Home