obertawad
kanina pa ang uwian ko pero andito pa rin ako sa opisina. hinihintay ko si C dahil may pinapatapos sa kanyang trabaho. nalulungkot ako. masakit sa dibdib. lumilipad ang isip ko. pilit kong iniintindi bakit nasabi ni E na di na kami pwede ni G. dahil nung tinanong ko siya dati-- sabi niya, hindi na raw magwowork yun. bakit niya nasabi yun? ilang linggo na ang lumipas hindi ko pa rin maintindihan at hindi ko pa rin mahanap ang sagot. sana kasi sagutin niya ng maayos pag tinatanong ko siya.. leche.
nalulungkot ako sa ganitong oras..sinabi ko na yan dati.. nag aagaw na naman ang dilim at ang liwanag..kulay abo ang langit. malungkot ang ganitong oras.. kasi uwian na.. marerealize ko na naman kung gano ko nag-iisa. maglalakad na naman akong mag-isa.. sasakay mag-isa.. mawawala mag-isa. nakakapagod ng mag-isa.. ayaw ko ng mag-isa..
ayaw ko pag ganito ang pakiramdam ko.. kasi pag ganito pakiramdam ko.. gusto kong magwaldas ng pera.. gusto kong mag ubos ng pera na alam kong dapat tipirin.. gusto kong uminom.. gusto ko sa inuman.. masaya dun.. maingay.. lahat ng kwento masaya. At pag lasing ka na, wala ka ng mararamdaman. walang sakit..walang problema. naghihintay sayo ang kamang malamig.. ang kumot na yayakap sayo at ang unang walang kabuhay buhay na yayakapin mo. to hell with hang-over. at least kinabukasan, masakit ang ulo mo-- dun na matutuon lahat ng atensyon mo. hindi sa sakit sa dibdib na nararamdaman mo ngayon.
gusto kong sulatan ang nanay ko pero nahihiya ako sa kanya. nahihiya akong isulat sa kanya ang mga nararamdaman ko. nahihiya ako kasi parang wala naman akong direksyon. nahihiya ako kasi mahina ako.
hayyy gutom lang siguro to. sana...
Labels: moments, relationships
<< Home