lunes:2010
kagabi di ako mapakali sa pagresearch ng forecasts para sa 2010. gustong gusto ko kasing malaman kung magiging maganda ba ang kapalaran ko ngayong taon na ito.. syempre medyo natakot din ako na baka masama ang mabasa ko e buong taon akong ma-jinx. buti na lang at maganda ang nakasulat dun. sabi dun, panahon na ng pagbabago.. at kung ano man ang tahakin ko.. dun ko mararamdaman ang sense of fulfillment. ayos di ba? nakakaexcite.
kahapon sobrang natatamad akong pumasok. sanay kasi ako sa bahay. hehe. pero syempre dahil unang araw ng taon, dapat nasa opisina ako. weno naman kung wala akong gagawin? kasehodang nakatanga lang ako dito dahil wala naman talagang trabahong nakaatas sa akin ngayon. (tangna kasi nun e)so ito, nag-upload na lang ako ng documents online para kung lumipad man ako eh.. bigla ko nalang irereformat ang lecheng bulok na pc na to at di na magbabalik pa.. (hehe drama ko talaga..)
bago mag bagong taon, tinawagan ako ni judy. andun siya kay jane. to make the long story short-- naiinis na naman sa akin si jane dahil andito pa rin ako sa Pilipinas.. sabi niya sa ate ko, nawalan na daw akong ambisyon. masyado na raw akong kumportable dito. Ewan. Naiingit nga ako kapag iniisip ko na nasa ibang bansa sila at ako e nakasadlak dito sa Pilipinas. Kaya talagang kinakarir ko ang application sa ibang bansa... pakielam ko kung maging OFW ako, e bayani naman ang mga yun. Kita mo nga ang kuya ko, binigyan ako ng magarang cellphone..
may ambisyon pa naman ako.. gusto kong mangibang bansa-- gusto kong padalan tatay ko ng $$ at package.. gusto kong makita kung gano ba kalaki ang earth.. di ba ambisyon matatawag yun?
ngayon mag a-alas 10 na ng umaga. nalinis ko na ang maalikabok kong lamesa. natapos ko na rin ito. ano na ngayon ang gagawin ko????
Labels: God is good, just venting out, work related angst
<< Home