Wednesday, April 30, 2008

buti nalang..



sa tuwing malulungkot ako.. may dumarating na tao na nagpapsaya sa akin. Kahit sandali lang. Ilang oras lang. Ilang minuto lang.

Buti na lang tuwing naalala ko sya.. mapapatingin ako sa mga trabahong nabinbin dahil di ko matuunan ng pansin.

Pero minsan napapatulala pa rin ako. naiisip ko sya. alam ko masaya na sya. minsand tinatanong ko pa rin bakit kailangang ako ang maiwan at maghilom. tapos maiisip ko na ganun naman talaga ang relasyon-- may isang aalis at may isang maiiwan. Pero shet, bakit laging ako?

minsan naisip mo ba na patas ang buhay? hindi ba pag masaya ka hindi mo naiisip ang hirap? kasi pag masaya ako kahit anong hirap parang kaya ko. masyado ko lang nararamdaman na mahirap ang buhay pag may mga problema akong kinakaharap na parang wala na atang kalutasan. Parang tanga.

Pero lilipas din ito.

Habang minamasdan ko ang paglubog ng araw mula sa aking bintana, naiisip ko na dito na talaga nagtatapos ang aming kwento. Ito na ang katapusan. . Malungkot ang dapit-hapon, yung oras kung kailan nag aagaw ang liwanag at dilim.. ewan basta nalulungkot ako tuwing nakikita ko silang nag aagawan sa langit. Dahil na rin siguro kahit anong pilit lumaban ng araw, mananalo pa rin ang dilim. Lalabas pa rin ang buwan. Magniningning pa rin ang mga bituin. Pero sa kabila ng pananaghili ng aking puso, patuloy ko namang inaantabayanan ang bukang liwayway. Panibagong araw.Bagong pagkakataon.

Talagang bilog ang mundo. buti nalang...

Commercial:

Sa mga taong walang trabaho (pero nakakapag internet), may isang malaking job fair sa World Trade Center bukas (May 1) dahil bukas ay araw ng paggawa. Kaya magpunta kayo duon, maghanap ng trabaho... kung may time pa kayo hanapin nyo na rin ako! Haha.

Ito ang unang pagkakataon na makakasama ako sa selebrasyon ng Labor Day. Excited ako kahit alam ko na halos lahat ng mangagawa ay tanghaling magsisipag gising, samantalang ako e gigising ng maaga, magwawaldas na naman pang gas at tatanga kasama ng 7,000 tao.

Labels: , , ,

posted by jaded fool @ 3:46 PM