adik kasi
sabi ng kaibigan ko, adik daw ako sa relasyon. kasi kahit anong relasyon pa ang pasukin ko.. kahit gano pa kahirap ang dinaranas ko. hindi ko daw makuhang umalis. kahit na hindi na daw tama ang trato sa akin. takot daw akong mag isa.
tama sya na mali.
tama sya kasi gusto kong magtagal lahat ng relasyon ko. kahit na ano pa dinaranas ko, optimistic ako na magbabago ang lahat at maayos rin. mali sya dahil hindi ako takot mag-isa. ang tamang term siguro, pagod na akong mag-isa. hindi mali rin yun.. PAGOD na talaga ako.
Pagod na ako makipaglaban.. Pagod na ako sa ganitong sitwasyon. Gusto ko ng bagong buhay. Bakit kasi di pwedeng take two. Puro na lang History Repeat itself. Nakakasawa.. parang walang patutunguhan...
Nakakapagod umasa. Nakakapagod lumabad. Nakakapagod mag isip. Nakakapagod silang lahat. Gusto kong mawala... kainin ng bula. yun ang gusto ko para makapagpahinga. Makapagpahinga ng mahabang panahon.
<< Home