Wednesday, November 04, 2009

fast forward



ang bilis ng panahon.. hwebes na naman bukas. hindi ko namamalayan ang pagtakbo ng oras sa dami ng dapat gawin, sa dami ng problemang dapat harapin. iniisip ko san napupunta ang oras, ang bilis niya kasing maubos. sobrang dami ang nangyari sa buhay ko.. sobrang daming problema na pilit kong nireresolba. sana matapos na silang lahat.

nitong mga nakaraang araw, naalala ko nanay ko at si G. umiyak ako. siguro dahil namimiss ko sila. siguro dahil wala na sila sa buhay ko. naamoy ko ang pasko sa hangin... naalala ko na ito ang panahon na paborito ng nanay ko.. naalala ko rin yung mga araw na kasama ko si G. hindi pala ulan ang makakapagpaalala sa akin. hamog pala. yung lamig na masarap damhin. ang lamig at ang bilog na buwan. naalala ko yung panahon na magkasama kami sa bahay dahil ganitong panahon yon.. ito rin yung panahon nang una kaming magkita at unang pagkakataon na hinatid niya ako sa probinsya. ganitong panahon din yung nilalabanan namin ang lamig ng hangin sa tricycle. habang nagyoyosi siya at nagtatago ako sa likod niya. nakakamiss. nakakalungkot.

ito rin ang inaasam na panahon ng tatay ko. dahil pagkatpos ng opera niya sa retinal detachment e dapat magpaplagay na sya ng lens. kaya lang may aberya.. na hindi namin lahat maintindihan. pinabalik si tatay sa unang doctor na tumingin sa kanya-- ni refer siya ulit don para sa lens. kawawa naman tatay ko. gustong gusto na niyang maayos ang paningin niya dahil gusto na niya ulit makapagmaneho. kanina nagpunta siya sa doctor na yun, sabi sa kanya kailangan nya ng 60k for the lens and medical ekek. kulang pa rin ang naipon niya..sobrang kulang.

at ako.. hanggang ngayon di pa rin ako bumibili ng gamot na binigay ng doctor ko. wala lang. wala kasi akong pera eh... at naniniwala ako na gawa ako sa bakal. matibay ako. di ako magigiba.

Labels: , ,

posted by jaded fool @ 10:18 PM