Thursday, April 03, 2008

kailangan



kanina may nagtanong sa akin kung kamusta na ako.. ang sabi ko naman "mabuti, ito pagod sa trabaho". sabi nya, wag ko daw masyado pagurin sarili ko at baka daw magkasakit ako.. matagal akong nag-isip kung ano ang isasagot ko sa kanya.. ang nasabi ko lang, kailangan.

natigilan ako. matagal tagal na ring hindi kami nagtatagpo ng salitang yan.

kailangang tapusin ang trabaho.
kailangang magpakatatag.
kailangang mag-ipon.
kailangan tibayan ang loob.
kailangan tanggapin ang katotohanan.
kailangan kita.

ang salitang ito ang dahilan kung bakit nagiiba ang tenor ng talata. ang salitang ito ang nagbibigay importansya kung bakit dapat mong gawin ang isang bagay.

gusto ko pang dagdgagan ang mga nasasaad dito. pero kailangan ko ng matulog.

Labels:

posted by jaded fool @ 11:48 PM