conversations
I forwarded this message to neth (dated feb 1, 2008):
If you're not sure where you stand in someone's life, it's best to leave things behind so that if they drop you off, it will be easier to forget them. Don't waste time waiting for nothing, when efforts are not recognized, its best to just give things up, you've done your part, let them do theirs.
which lead to the following conversation:
Her:Para sa akin ba to or para syo? Haha
Me: Abah, para sa akin.. Ipinasa ko sayo dahil your my conscience. Hehe
Her:At tulad ng lahat ng konsensya mas madalas ini-ignore. hehe
Her:Hahaha. Tado. Nakuha mo ba atm at credit card mo?
Her:Magkikita o nagkita na naman kayo? Check mo ba laman nyan?
Me: Nope, mas ok nga na di na kami magkita. Puro pasakit lang namna sya.
Me: May meeting sya. Iniwan lang yung atm. D naman nya gagalawin yu. Kilala ko yun.
Her:Yan ang gusto mong paniwalaan. pero ang totoo gusto mong magkita kayo. lahat naman ng ginagawa mo ay para magkita kayo. kahit yung pagmeet mo sa kapatid nya. you've been there before, andyan ka na naman ngayon.
Me: I kept my promise lang mare, Kahapon she told me na sya talaga tumawag not her brother. Lamo mo I cried kasi hinanap nya ako.
Her:Mare, magulo sya. bakit nya ginawa yun. anong gusto nya. sinabi nya sayo and i was there na mag-upgrade ka naman kapag nakakita ka ng iba. and yet wala pa man nangyari kung ano ano na sinabi nya.
Me: Tama ka nga mare, she doesnt want me to move on. Kaya every week ginaganito nya ako. Gusto nya akong maging miserable. Ako naman si tanga, takbo pag tumawag sya.
Her:Sabi ko nga, you're allowing her to do that do you. sabihin natin mahal ka nga nya kaya lang madami lang syang problema. masyado syang mayabang, hanggang kelan ka magiging ganyan. nakakapagod yan.
Me:Di mo lang alam kung gano ko kapagod mare. Ayaw ko na ng pakiramdam na ganito. Pagod na ako. Kailangan ko na ng external na tulong.
Her:Anong external na tulong? kelangan mo ng psychiatrist? o kelangan mo ng bubugbog sa kanya?
Me:Kailangan ko ng protection from myself.
Her:Kung sumusunod ka lang sana. kaya lang magkaibigan tayong mtigas ang ulo. ano pa nga ba kundi andito lang ako. kelangan talaga dumamay. hehe
Me:Alam mo, nabasa nya mga sent messages ko sa cp. she told me, flirting daw ako. Weird.
Her:Wala syang pakielam dun. you can flirt anytime you watn kasi youre single. Hay, andami nyang problema sa buhay. Emotionally imbalanced sya. baliw sya.
Me:Nahihiya nga ako magkwento dahil i brought this to myself.. sabi ni jas, maswerte daw yung mga mamahalin natin. Hehe
Her:Ikaw maswerte talaga minamahal mo, you give everything, wala ka ngang limitations e. Gago lang talaga sila. Alam mo you're like my ex. nagbibigay sya not because he expects something back, nagbibigay kasi mahal nya lang talaga ako. gago lang talaga ako. haha.
Me:Totoo, di nya alam kung ano gusto nya eh. Pauwi plang ako mare, 3.30 hours just to get the fucking atm.
Her:Hindi mare, nagmamahal lang. Pero sana alam mo kung kelan wala ng kwenta ang minamahal mo. tulad ni G. hehe
Me:Hahaha.. Oo gago ka. Buti alam mo. Andun yung happiness ko eh. Tanga ko no? Haha
Her:Ano pa nga ba. sabi mo nga dati kailangan dumamay. hehe oo wala syang kwenta kasi ginawaga nya yan sayo.
Me: Mare, thank you for always understanding me and for those nice words.
Me: Wala ba talaga syang kwenta?
Me:Lam mo ba sabi nya, panigurado daw sa mga kwento ko, masama sya at ako kawawa. Di nya mapatawad pamilya ko sa pag alis nya sa bahay.
Her:Puwes kung di nya mapatawad pamilya mo tigilan ka na nya. Hayaan ka na nyang makahanap ng iba. Someone na hindi mayabang.
Me:she wanted me to stand up for her, yun ang bottomline.
Her:So, pag nakalipat ka ng bahay kayo na ulit?
Me: Nope, mare. ayaw na nya sa akin, remember? Di na daw nya gusto yun.
Her:Demanding sya masyado. gemini kasi. hehe anong expect nya, ang relasyon nyo ay hindi pa masyadong tangap ng society ano pa kaya pamilya mo. She should give them a break.
Me: sabi nya, kung pinaglaban ko daw sya. Malalaman daw nila kung ano sya sa buhay ko. Lam mo ba mare, sumasama ako sa kanya nun. pero iniwan nya ako. Wag na daw..wawa naman daw si tatay.
Her: Kung ayaw nya e di wag. Haba ng hair nya ha. Hintayin mo n lang mapagod ka. Tingin ko di ka pa pagod kasi isang tawag lang nya andun ka kaagad.
Me:E kasi nakikita mo si hudas. Gusto ko na mag move on mare. We got stuff to do. Di fair na tayo lang ang api lagi.
Her:Bago palang naman break up nyo, normal pa lang yan. ako nga ilang buwan na nasasaktan pa rin. leche. hehehe
Her:hahaha.. oo nga nakikita ko kasi si hudas. Hangang kelan mo balak magsumiksik sa kanya. Mare, tumigil ka na. Sundin mo yung itinext mo sa akin kanina. you had done ur part, now its time to stop and let her do her part.
Me: I'm tired na mare, and to tell you frankly, feeling nya wala akong effort at she had done her part.
Me: Ganda ng mga text mo neth, parang nasasaniban ka! Hehe!
Her: Hahaha. gago ka. ganyan talaga pag hindi nag-inom ng isang linggo. Hahaha
Her:Pagdating ng mga araw na yun, maglalaway mga ex natin at magsisisi sila. hahaha
Me:Di bale ng di sila maglaway at magsisi.. Ang important masaya tayo... tapos.. SILA HINDE!!!!! Wahahahah!
Her:Mas gusto ko yun. Bwahahah!
--yep, kinda long but it makes me smile everytime i read it.
Labels: funny, relationships
<< Home