Saturday, August 02, 2008


Ako, si G at si P.




Ito na yata ang yugto ng buhay ko na pinakamagulo sa lahat... sobrang nahihiya akong magkwento kaya napilitan na lang akong manahimik. Pero, ewan.. gusto kong magkwento ngayon... pwede ka bang makinig?

Ako. Hindi naman ako mapaghanap na tao. Gusto ko lang ng matahimik na buhay. May makasama na mahal na mahal ko at mamahalin ako. Hindi ako naghangad ng yaman.. Tama na yung kung gusto naming kumain sa labas ay kaya naming dumukot sa savings. Kung gusto naming mag taxi-- e kaya namin. Gusto ko ng inaalagaan ako at gusto ko rin yung nag aalaga. Gusto ko matalino.. hindi nakakabato kausap. Gusto ko sweet dahil hindi ako sweet na tao, clingy ako. Hehe.

Si G. Sya ang unang babae na nagpatibok sa puso ko. Marami kaming pinagdaan. Saya.. Hirap. I've had a lot of first with her. Tumira kami sa isang bahay.. natuto ako ng maraming bagay sa kanya. Nai-apply ko rin naman ang mga tinuro ng Nanay sa akin tulad ng pagluluto, paglalaba, paglilinis ng bahay, pamamalengke, pag aayos at iba pa. Sobrang na enjoy ko ang buhay maybahay. Kaya lang.. mayron talagang mga pagsubok na mahirap lagpasan. Talagang sinukat ang lakas namin. Makailang ulit din kaming naghiwalay.. pero sa huli, kami pa rin ang nagtatagpo.

Si P, pinatibok din nya ang puso ko. Naging mabuting magkaibigan kami... hanggang nahulog ang loob ko sa kanya. Nalimutan ko si G dahil kay P. Pero hindi naman madali ang pumasok sa bagong relasyon. Maraming adjustment.. maraming tests. Pero sa unang pagkakataon, di ko pinansin ang ibang tao-- ako muna.. kaligayahan ko muna. Masaya pero walang seguridad. Mahirap din pala ang ganun. dahil kahit gaano kasaya-- hahanapin mo pa rin ang security.

Hanggang naisip ko na mas mabuti pa nun kay G. hindi naman kwestyon pagmamahalan sa aming dalawa... lagi ko lang isinasakripisyo ang sarili kong kaligayahan kaya kami napariwara.
Hindi ko alam bakit ko sila naisulat.. siguro parang pakiramdam ko..walang nagmamahal sa akin. siguro kasi parang ganito na lang ang kwento ng buhay ko.

sabi sa Grey's Anatomy:

"Still sometimes we have to see for ourselves. We have to make our own mistakes.We have to learn our own lessons. We have to sweep today's possibility under tomorrow's rug until we can't anymore. We have to understand that knowing is better than wondering, that waking is better than sleeping, and even the biggest failure, even the worst, beats the hell out of never trying."

yan ang ginawa ko. I took the risk...I learned my lesson.. I enjoyed the journey..

and now I'm tired.

Labels: ,

posted by jaded fool @ 7:51 PM