
ang gulo ko
nung nakalipas na araw lang parang malinaw kung san patungo ang buhay ko. parang sigurado na ako kung ano ang dapat gawin... pero bago ko pa man gawan ng aksyon ang lahat--- nagulo ulit. nagkanya kanyang takbo... nagkanya kanyang diskarte.
hindi ko alam kung ano ba ang nangyayari sa akin.
minsan gusto ko lang bumalik sa dati ang buhay ko... masaya naman ako nun... hindi nga ako naghangad ng kung ano pa man.. sobrang kuntento ako kung ano meron ako..sino kasama ko..at kung ano meron kami. hindi ako naghanap ng hihigit pa.. hindi ako kelan man naingit sa iba.. kung may pagkukulang man si G nun.. naiintindihan ko yun at naisasayos din. so hindi ko makita ang rason bakit hindi pwede maulit iyon..
habang umiikot ang mundo, nag iiba ang tao.
tama.. nag iba nga ako. hindi ko gusto ang pagbabago. higit kanino pa man, sobrang hirap akong mag adjust sa changes. kya nga nahihirapan ako sa trabaho ko ngayon-- dahil hindi ko sya matanggap ng maluwag sa loob. pero kailangan kong aminin ito dito. aminin sa inyo. na nagbago na nga ang damdamin ko. pero sa kaloob looban ko.. may lumalaban.... hindi ko alam san nangagaling yun. gusto ko bang magkabalikan kami? gusto ko bang maging mabuti kaming magkaibigan? ano nga ba ang gusto ko?
ang gusto ko lang.. maging masaya at magkaron ng tahimik na buhay...
Labels: moments
<< Home