bulsyet
Kahapon ay araw ng pamimili sa grocery. Habang papunta kami dun, napag-usapan naming magkakapatid yung nangyari sa pinsan namin. Dahil may isang balikbayan sa aming baryo na naghahanap ng mapapangasawa. Marami na syang niligawan sa baryo namin pero walang pumatol dahil matanda na sya -- hanggang naireto sya sa pinsan ko na agarang inaprubahan ng magulang nya. hayy.. Ang tyahin ko kasi di na ata naniniwala sa pag-ibig, sabi nya "sa panahon ngayon, security na dapat isipin". Naisip ko tuloy, mas maswerte ang mga ate nya sa kanya-- dahil nasunod ng mga iyon ang gusto nila. Ang lalaking napili nila ay yung lalaking mahal nila, hindi kamuka niya na pinilit dahil lang sa hirap ng buhay.
Ang ate ko naman, humirit-- di raw nila gagawin yun sa pamangkin kong babae-- sila daw, kung sino mahal ng pamangkin ko. Naisip ko na bulsyet lang ang sinabi nya..dahil kung ganun talaga, dapat tinanggap nila ang taong mahal ko.
Dahil sa pamilya namin, alam ko-- Nanay ko lang talaga ng tumanggap kay G. Tolerance is not acceptance. Yes, the rest of the family tolerated me-- they let G stay with us.. they let her visit me. Pero ibang tao pa rin ang tingin nila kay G. Sa kanilang lahat, bukod tanging si Nanay lang ang talagang tumupad dun sa panuntunan na mamahalin nya at tatangapin nya ang taong mahal ko.
Labels: family
<< Home