hay naku G!
Sobrang nakakalito lahat ng nangyayari sa amin nitong si G. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang gusto nya. Gusto ba nya ako? Gusto ba nyang magkaayos kami o gusto na nyang lumimot? Sobrang marami ng sakit ang naidulot namin sa isa't-isa...na natatakot akong makausap, makita at makasama sya. Dahil masyadong malaki ang kapalit ng konting oras na yun..masyadong masakit. Para kasing nasa loob kami ng basong bilog ..paulit ulit nalang..linggo linggo. Magkikita kami, magsasaya pagkatapos ibabalewala nya lang ako. Tapos tatawag na naman sya.. magpapakyut..tapos ako tatakbo ako kahit nasan sya para makasama ko sya..tapos magsasaya..at pagkatapos mababalewala na naman. At iisipin ko bakit ganun? Ano ba ang mali? Tapos tatanungin ko sya kung gusto pa nya ako o ayusin na namin to-- tapos sasabihin na naman nya, di pede.. o ok na tong sitwasyon na to .. o natatakot sya na masaktan nya lang ako.
Linggo linggo nalang na ginawa ng Diyos.
Nakakalito na. Nakakapagod. Hindi ko naisip ni minsan na mapapagod akong mahalin sya. Hindi ko naisip na ang sakit pala, nakakabura ng pagmamahal. Dumating na ako sa punto na twing iisipin ko kung gano ko sya kamahal -- sobrang sakit ang nararamdaman ko. At umabot na rin ako sa punto na ayaw ko na ng sakit.
Nung araw na huli kaming nagkita, sabi nya sa akin "I would be your last straw..", sobrang saya ko nun dahil ibig sabihin, kahit anong mangyari di nya ako pababayaan. She would always have my back. I held on to that promise. Masaya naman ang naging lakad namin-- parang dati hanggang kailangan na nyang umalis para sa isang meeting. Hindi naman ako pwedeng sumama sa meeting nya.. kaya walang ibang pedeng gawin kundi umuwi. Tanaw tanaw ko sya habang nagsindi sya ng yosi at naglakad papunta ng mrt. Alam ko.. di na naman sya magtetext ng ilang araw.. alam ko mag eexpect na naman ako sa wala.
Kinabukasan, sobrang busy sya sa mga meeting nya kaya di kami nagkita kahit nasa Ortigas lang kami ng kaopisina para sa isang research. Pagkatapos nyang sabihin na may meeting sya-- di na sya nagparamdam.
Hwebes kinabukasan ng mapagalitan ako ng boss ko. Sobrang takot ko.. Sobrang panic ko na baka matanggal ako sa trabaho. Ang punyetang boss ko, di pa nasiyahan na pagalitan lang ako. Nagtawag pa ng meeting para magbroadkast ng kamaliang nagawa ko. Bago pa ang meeting, tinext ko sya. Tinanong ko kung nasan sya at medyo badtrip ako sa trabaho. Walang reply. siguro tulog dahil magdamag kasi ang pasok nya. Nagtext ako ulit, sabi ko kailangan ko ng embrace dahil sobrang badtrip nga. siguro ng mga 3-4 na beses. Sa wakas nagreply sya, nasa meeting daw sya. Sabi ko magkita kami ng gabi dahil nga sobrang lungkot ko. Ang sabi nya di daw sya uuwi until the next day at wala daw sya sa manila.
Ni hindi nya ako kinamusta kung natanggal na ba ako o ano. Ni wala man lang pang boost ng self-esteem na pilit niyurakan ng punyeta kong boss. Akala ko ba, sya ang last straw ko?
Nalaman ko nasa subic pala sya.
Lumipas ang mga araw, ni hindi nya ako kinamusta kung ano ba nangyari sa akin at napagalitan ako ng boss ko.. hindi nya ako naisip, kinausap o kinontak hanggang kaninang hapon.
Online sya sa YM. Nagiwan ng message "hope alls well with you". tapos may message na Inaaya nya ako sa Alabang (dahil sinabi ko sa kanya na gusto ko sumama dun sa dating lugar kung san kami dati tumira. Natanga ako-- at nagbilang ng araw..ah isang linggo na pala ang lumipas mula ng huli kaming nagkita. Alam ko na mangyayari..kaya ang sabi ko sa kanya, I changed my mind-- di nalang ako sasama. Sabi nya, ok daw.
Bago ako umuwi, nagtext sya, "In a week's time, everythin will be different from this side of the world too."
ANO YUN?!
Hindi ko alam kung ano ba talaga ang gusto nya. Ako pa ngayon ang dapat maguilty. E hindi naman ako may gusto nito. In this relationship, I'm the stayer and she's the goer.. and my other journal can attest to that.
I feel so frustrated now that she's making me feel guilty and that this is all my fault.
I wish she would stop hurting me.
Labels: just venting out, love, moments, relationships
<< Home