Saturday, April 12, 2008

tinadhana



after a night of crying, we talked. we were crying on the phone. a silent agreement was made. our relationship would not work at this time. no matter how much we still love each other-- she's convinced she's not yet ready to change.. and she's convinced that change in me would just be temporary. so we should just let things be.

marami kaming napag usapan-- mga isyu naming dalawa. mga bagay na walang kalinawan. alam ko mahal niya ako hindi na lang kasi talaga pwede. ayaw ko ng bumalik kami sa dati-- ayaw ko ng nalilito sya. ayaw ko madaliin kung kami ba o hindi. kung kami-- alam ko aayos to at magsisimula kami ng tama. hindi bunga nga ng pressure, hindi dahil nadaan sa bilis. gusto ko ring bigyan ng opportunidad ang sarili ko na hanapin kung ano ba ang gusto ko. kung mahahanap ko ba yung naramdaman ko sa kanya sa iba. madali kasing humanap ng kapalit, pero hirap na hirap akong magbigay ng pagmamahal. ayaw ko namang pilitin ang sarili ko dahil lang ayaw kong maging single. unfair yun sa kabilang party. naniniwala pa rin ako sa fairy tale ko.. at sa happy ever after ko.


ito ang mga katotohanan ko: i've grown up. matagal na pero wala akong lakas ng loob sabihin dahil alam ko marereject lang ako. tapos ko na ang obligasyon ko sa nanay ko. kailangan ko ng bigyan ng pagkakataon ang mga taong gusto akong kilalanin. ang pamilya ko pala slow learner dahil ngayon lang nila napapahalagahan ang mga sinakripisyo mo para sa akin. gusto ko sumaya ka. nanghihinayang ako dahil ito na sana yung katuparan ng pangarap natin. dito na dapat tayo magsisimula. mahal ko pamilya mo.

hindi perpekto ang relasyon namin. sobrang daming conflict..maraming problema sa akin at sa kanya. sabi ng nga iba wala daw patutunguhan ang relasyon namin.. hindi daw magtatagal. pero tumagal kami ng 4 na taon. sabi nya pakiramdam daw nya kami pa rin in the end. pero walang katiyakan ng buhay. pano kung hanggang dito na lang talaga kami? paano kung may makahigit sa akin o sa kanya? walang nakakaalam. walang nakakasiguro. pero paano kung ito ang nakatadhana?

Labels: ,

posted by jaded fool @ 4:21 PM